Hindi dapat malito ang publiko sa desisyon ng Korte Suprema hinggil sa usapin ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ito ang iginiit ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr. matapos maghayag ng suporta ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa plano ni incoming Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na siyasatin kung may pananagutan ang administrasyong Aquino sa DAP.

Ayon kay Coloma, walang ginawang “unconstitutional” si Pangulong Aquino sa anim na taon nitong panunungkulan.

“As Chief Executive, President Aquino faithfully followed the Constitution and the laws of the land,” pahayag ni Coloma.

National

Magnitude 4.1 na lindol, tumama sa Davao Occidental

“Kapansin-pansin ‘pag pinag-uusapan ito, iisang bahagi lang ‘yung naririnig natin, ‘yung mga laban sa DAP, ‘yung mga patuloy na naninira sa pamahalaan, sa kabila ng naging pasya na ng Supreme Court,” dagdag na ng opisyal.

Aniya, ‘tila may mga hakbang upang malito ang publiko sa inilabas na desisyon ng Korte Suprema at madiin ang Pangulo sa isyu ng DAP.

Binigyang-diin pa ni Coloma na bagamat naglabas ng desisyon ang Korte Suprema na nagdedeklara na “unconstitutional” ang DAP, naghain na ang Office of the Solicitor General (OSG) ng motion for reconsideration hinggil sa naturang usapin.

“If we may recall, the Supreme Court upheld the government’s motion for reconsideration filed through Office of the Solicitor General, particularly on the operative fact doctrine. In that decision, the Supreme Court (SC) categorically ruled on and upheld the presumption of regularity in the implementation of DAP,” paliwanag pa ni Coloma. - Madel Sabater-Namit