Tatay Kong Sexy copy

SIYANG-SIYA bilang ama si Sen. Jinggoy Estrda sa pelikulang Tatay Kong Sexy. Ganoon namin nakikita ang character niya bilang si Paquito sa movie na pangatlong direksyon na sa kanya ni Jose Javier Reyes. 

Nauna nilang ginawa ang Katas ng Saudi at Magkaibigan na kung may kurot sa puso ang story, ganoon din dito sa Tatay Kong Sexy, at may halo ring comedy.

Sa story, biyudo na si Paquito na tatlo ang anak, ang panganay niyang anak si Mariel (Empress Shuck), si Frankie (Jolo Estrada, tunay niyang anak na nag-artista na rin), at isa pang child actor. Mahigpit si Paquito sa mga anak dahil gusto niyang patunayan sa yumao niyang asawa na puwede siyang maging ama at ina sa mga anak nila. Katulong niyang nag-aasikaso sa mga bata ang kanyang ina at isang kapatid na babae.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Wala siyang balak palitan ang yumaong asawa, kahit pa nakilala niya ang madaldal na customer niya sa kanyang auto shop, si Monique (Maja Salvador) na laging nasisiraan ng kotse. May alaga siyang pamangkin na anak sa Hapon ng older sister niya. Kung tutol ang mga anak na mag-asawa siya muli, hindi naman tutol ang kanyang ina at kapatid.

Kahit madaldal si Monique, naging mabuti silang magkaibigan ni Paquito, nagsasabihan sila ng problema at pareho nilang hinahanapan ito ng solusyon. Kaya inakala ng mga anak niya na may girlfriend siya, si Monique pa ang tumulong para makilala siya at ang pamangking si Homer at magkapalagayan sila ng loob.

Dumating ang malaking pagsubok kay Paquito at dito nakita kung gaano siya kabait at maunawaing ama. Ang isa pang maganda sa movie, wala rito ang madalas na sampalan at awayan sa mga eksena, may mga eksena na na hindi mo mapipigilang tumawa. Tamang-tama ang ibinigay na PG (Parental Guidance) classification ng MTRCB.

Pagdating sa acting, pasado ang buong cast. Tulad ng sabi namin, Jinggoy na Jinggoy ang character nig bida, parang hindi na nga siya umaarte. Mahusay si Empress at kahit first acting piece ito ni Jolo, mahusay din siya, bagay ang role niyang may pagkajologs, ganoon din ang dalawang batang anak ni Paquito at pamangkin ni Monique. Pati si Dominic Roque na boyfriend ni Empress at si Monina Benipayo na nanay ni Dominic.

Pinapalakpakan ng mga nanood ang acting ni Maja Salvador na kahit namamaos kung minsan sa kadaldalan, kering-keri niyang gampanan. Gustung-gusto namin ang eksenang kapag nagtatalo sila ni Paquito, ang tawag niya rito ay “Tatang.”

Iri-release ng OctoArts Films ang Tatay Kong Sexy at hindi kayo magsisising panoorin ito simula sa Miyerkules, June 1 sa paborito ninyong mga sinehan nationwide. (Nora Calderon)