MANAOAG, Pangasinan - Isang 76-anyos na lalaki ang natagpuang patay at naaagnas na sa loob ng kanyang silid sa Barangay Lipit Sur sa bayang ito, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Tomas Aquino, may asawa, ng Bgy. Lipit Sur.

Nabatid na mismong si Rodrigo Garcia, barangay tanod, ang nakadiskubre sa matanda matapos nitong tuntunin ang mabahong amoy sa lugar.

Kilalang manginginom si Aquino, ngunit hindi pa tukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay, kaya naman isasailalim siya sa awtopsiya, ayon sa pulisya.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Hindi naman binanggit sa report kung nasaan ang pamilya ng matanda dahil nabatid na mag-isa lang ito sa bahay. (Liezle Basa Iñigo)