Ni ADOR SALUTA

BUKOD sa best actress award na iniuwi ni Jaclyn Jose para sa pelikulang Ma’Rosa ni Direk Brillante Mendoza mula sa Cannes Film Festival, unang naging usap-usapan sa social media ang pagrampa ni Andi Eigenman sa red carpet ng prestihiyong international filmfest.

Maraming bisitang humanga sa suot na gown ni Andi, na kahit maliit tingnan kumpara sa nagtatangkarang international celebrities na dumating, would you believe, kasali si Andi sa mga pinagpipilian as best dressed sa nasabing event.

Pero, teka, may humabol din sa red carpet at nakipagtalbugan sa kaseksihan ni Andi.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi rin kasi nagpatalbog ang isa pa sa mga star ng Ma’Rosa na si Maria Isabel Lopez na rumampang suot ang green gown na likha ng sikat na Pinoy designer na si Albert Andrada.

Hinangaan ang dating Binibining Pilipinas-Universe sa red carpet dahil sa naiiba sa lahat na suot niya. Naging paborito ang aktres ng cameramen at balitang stand-out siya sa crowd dahil sa kanyang beauty queen poses.

Umani ng praises ang Pinay aktres mula sa daan-daang crowd na kinabibilangan ng iba’t ibang film delegates na nagmula pa sa iba’t ibang bansa.

Well, kailan ba naman nagpatalbog sa pabonggahan ang Pinay beauties, aber?