BLACK WIDOW TEAM NI DANIEL copy

SA ikapitong Star Magic Games, muling nagsama-sama ang Star Magic stars para magtagisan ng galing sa iba’t ibang sports.

Sa ikalawang taon sa pakikipagtulungan sa Sun Life Financial, ginanap ang Sun vs Stars nitong nakaraang Mayo 22 sa Celebrity Sports Plaza. Mahigit 200 sa naglalakihang artista ng Star Magic ang nagpasikat sa basketball, volleyball, swimming at badminton.

Ang sikat na love teams na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Erich Gonzales at Daniel Matsunaga, Ylona Garcia at Bailey May, Loisa Andalio at Joshua Garcia, Alexa Ilacad at Nash Aguas, Janella Salvador at Elmo Magalona ang nagpakilig nang araw na iyon.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Sumali rin sa taunang sports event ang ilan sa teen stars tulad nina Jane Oineza, Sofia Andres, Maris Racal, Marlo Mortel, Iñigo Pascual, Julia Barretto, Andrea Brillantes, Darren Espanto, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranille, mga miyembro ng Gimme 5 at ang It’s Showtime’s Hashtags at GirlTrends.

Ngayong taon ay superheroes theme ang pagkakahati ng teams. Pinangunahan ni Daniel Padilla ang Black Widow team, si Ronnie Alonte naman ng Hashtags ang lider ng Blue Captain America, si Eric Nicolas sa Yellow Wolverine team, sa Green Hulk team si Jairus Aquino, at Red Iron Man team naman ang pinamunuan ni Xian Lim.

Nag-umpisa ang araw sa tradisyunal na parade of stars na pinangungunahan ng mga muse ng bawat team. Ang rising stars na sina Heaven Peralejo at Ysabel Ortega ang muse ng Black Widow team, sina Chienna Filomeno at Alexa Ilacad sa Blue Captain America team, sina Andrea Brillantes at Loisa Andalio sa Green Hulk team, at ang GirlTrends members na sina Kelley Day at Mica Rivera naman sa Yellow Wolverine team. Si Maja Salvador ang muse ng Sun Life Financial sa ikalawang taon.

Pagkatapos ng Pambansang Awit ni Angeline Quinto namuno ng panalangin si Xian Lim. Ang Sun Life Financial ambassador na si Piolo Pascual ang nagbigay ng opening remarks at si Gerald Anderson ang nangunasa ang oath of sportsmanship.

Si Daniel Padilla naman ang nagsindi ng sulo bilang panimula ng kumpetisyon.

Nagsilbing host sina Robi Domindo, Erika Abello at Eric Nicolas, samantalang sina Kitkat, Tippy Dos Santos at Drei Felix naman ang naging courtside hosts sa iba’t ibang palaro.

Nanguna sa swimming relay ang mga kalahok mula sa Sun Life Financial, sina Zonia Mejia at Erika Abello ang 2nd placers at runners up sina Kira Balinger at Enchong Dee.

Sa volleyball nanalo ang Yellow Wolverine team ni Julia Barretto laban sa Black Widow team ni Gretchen Ho, at ang Blue Captain America team ni Jed Montero naman ang nanalo laban sa Green Hulk team ni Nikki Valdez. Itinanghal na Most Valuable Player ang newbie na si Ashley Colet at kabilang rin sa Mythical Six kasama sina Gretchen Ho, Marco Gumabao, Joseph Marco, Jed Montero at Julia Barretto ang kumumpleto ng Volleyball Mythical Six.

Hindi rin nagpahuli ang Star Magic kids and teens sa kanilang pakikilahok sa fun games na hinaluan ng konsepto ng superheroes. Ang ilan sa mga laro ay ang Boost Your Boosts, Shield of Justice, Saving Earth, at Slam N’ Jam.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama ang OPM Sweetheart na si Janella Salvador at si Teen Queen Kathryn Bernardo para sa women’s badminton. Nanguna sa larong ito sina Heaven Peralejo at Hatima Bien mula sa Green Hulk team sa women’s category at sina Neil Coleta at Iñigo Pascual ng Black Widow team sa men’s category. Si Neil Coleta ang itinanghal na Best Male Player at si Piolo Pascual ang hinirang na Overall Most Valuable Player sa badminton category.

Nanalo ang Green Hulk team na pinangunahan nina Jairus Aquino, Bugoy Cariño at Zaijan Jaranilla laban sa Blue Captain America nina Nash Aguas, Grae Fernandez at Igi Boy Flores sa score na 36-27. Nagtuluy-tuloy naman ang panalo nila sa mixed teens at adults sa pangunguna nina Robi Domingo at Jerome Ponce.

Hinirang na Most Valuable Player si Jairus Aquino at si Bugoy Cariño ang itinanghal na Rookie of the Year sa basketball teen division.

Isa sa Star Magic Games highlights ang basketball game ng Black Widow Team ni Daniel Padilla at Blue Captain America na binubuo ng Showtime’s Hashtags. Bakbakan ang game ng Royalty teams na nagtapos sa score na 70-69 pabor sa koponan ng Black Widow team.

Muling tinanghal na Most Valuable Player si DJP. Matatandaang na naging MVP awardee rin si Daniel noong 2013 at 2015.

Si Ronnie Alonte, first-timer sa Star Magic Games, ang nag-uwi ng Rookie of the Year award mula sa exhibition game na sinalihan niya. Ang adult’s division Rookie of the Year naman ay ang Doble Kara star na si AnjoDamiles.

Isa rin sa pinakaaabangan na laban ang exhibition game ng Star Magic Red Iron Man Dream Team na pinangunahan nina Xian Lim, JC de Vera, Rayver Cruz at Gerald Anderson laban sa Sun Life Financial Team. Natapos ang laban sa lamang na anim na puntos pabor sa Sun Life Financial.

Natapos ang araw na may mga ngiti dahil sa bonding na nabuo ng Star Magic celebrities kasama ang mga dati at mga bagong kaibigan.

[gallery ids="172229,172230,172231,172232,172233,172234"]