Xian at Kim copy copy

“LAST three weeks na lang pala ang The Story of Us serye nina Kim Chiu at Xian Lim? Anyare?”Ito ang tanong sa amin ng mga kaibigan naming nanonood ng serye.

Oo nga, narinig din namin noong Biyernes ng gabi na ‘abangan ang The Story of Us for the last 3 weeks’ kaya nagkatinginan kami ng mga kasama namin sa bahay dahil ibig sabihin ay tatapusin na? E, hindi pa nga gaanong nag-iinit ang kuwento, di ba, Bossing DMB?

Mukhang biglaan ang desisyong ito ng ABS-CBN management dahil kamakailan lang ay masayang sinabi pa ni Xian sa presscon ng isang produktong iniendorso niya na masaya siya sa The Story of Us lalo na sa pagpasok ng bagong direktor nitong si Cathy Garcia-Molina at sigurado raw siyang marami siyang matututunan sa nasabing direktor.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

At kapapasok pa lang din ng karakter ni Shaina Magdayao bilang bagong love interest ni Xian sa kuwento, ‘tapos heto tatapusin na agad?

Nagsisimula pa lang ang conflicts sa istorya ng serye dahil si Kim na ikinasal kay Bryan Santos ay nagkakalabuan na at si Xian ay may Shaina at gumaganda na ang buhay at career simula ng bumalik sa Pilipinas.

Sa tingin namin ay malayo pa ang itatakbo ng kuwento ng The Story of Us, pero last three weeks na lang daw.

Nagtanong-tanong kami sa taga-Dos na mga kakilala namin kung ano ang dahilan at biglang tatapusin na ang KimXi serye.

“Parang hindi gusto ng tao ang ganu’n kabigat na istorya, gusto light lang, parang Dolce Amore at OTWOL lang,” sabi sa amin.

Pero mabigat din naman ang istorya ng OTWOL lalo na nu’ng nagkahiwalay sina Clark at Lea at pumasok sa istorya si Paulo Avelino na iritang-irita ang JaDine fans.

Same thing with Dolce Amore na ngayon ay mabigat din ang pinagdadaanan ng magkapatid na Serena (Liza Soberano) at Angel (Sue Ramirez) dahil pareho nilang gusto si Tenten (Enrique Gil).

Nalaman din namin, nawala na si Direk Richard Somes sa The Story of Us kaya papasok si Direk Cathy.

Sino kaya sa taga-Star Creatives ang puwedeng sumagot nito? (REGGEE BONOAN)