FL: Stephen Amell and Megan Fox on Despierta America

IPINAGBUBUNTIS ni Megan Fox ang kanyang pangatlong anak kay Brian Austin Green, sa kabila ng paghahain ng diborsiyo laban dito noong Agosto. Ngayon na maayos na uli ang kanilang pagsasama at nang makapanayam ng The Insider With Yahoo ang Teenage Mutant Ninja Turtles: Out of the Shadows star, ibinahagi niya ang kanyang pagbubuntis. 

“I have had a kid every other year since 2012 and that is just — it’s a lot,” pahayag ng 30 taong gulang na aktres. 

Dalawa na ang anak nina Megan at Brian, sina Noah, 3, at Bodhi, 2, ngunit ngayon ay iba ang pakiramdam niya sa kanilang pangatlong anak. 

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

“I am eating even cleaner this time, which is so depressing to do when you’re pregnant because you want to eat a lot of sweets but you can’t,” aniya. “I am eating really well. This baby should be really healthy and strong.”

Kung ang ibang babae ay umaasa na nasa tabi ang asawa kapag magsisilang ng anak, sinabi ni Megan na hindi ganito ang style niya.

“Isn’t the baby the present for pushing?” tanong ni Fox. “I don’t need a present on top of that… I’m not going to be asking for a $3 million choker.” (The Insider)