Nasa Pilipinas na ang gamot para sa multidrug-resistant tuberculosis (MDR-TB), kaya may pag-asa nang tuluyang malunasan ang mga may TB na limitado ang gamutan dahil sa antimicrobial resistance (AMR).

Nangyayari ang AMR kapag hindi na tinatablan ng antibiotic ang bacteria, na nagbubunsod upang mas mahirap na malunasan ang mga sakit na gaya ng TB pneumonia at gonorrhoea.

Sa Pilipinas, nasa 11,000 Pilipino ang apektado ng MDR-TB, na 10 beses na mas magastos ang gamutan kaysa karaniwang TB, at maaaring magresulta sa pangmatagalan o permanenteng side effects.

Sa pamamagitan ng donation program, na epekto ng kasunduan ng Janssen Therapeutic at United States Agency for International Development (USAID), mabibili na ngayon sa bansa ang bedaquiline; at ibibigay muna sa 75 katao sa 10 ospital sa bansa.

“Bedaquiline is a novel antibiotic that was the first drug approved by the US Food and Drug Administration for TB in more than 40 years,” sabi ni Health Secretary Janette Garin. (Charina Clarisse L. Echaluce)

Probinsya

Swimming ng 2 grupo, nauwi sa pamamaril at pananaga!