MOSCOW (AP) — Kabilang ang kontrobersiyal na si Maria Sharapova sa preliminary team na isinumite ng Russian Tennis Federation para sa Rio Olympics sa Agosto 5-21.

Pinatawan ng provisional suspension si Sharapova matapos amining gumamit siya ng ipinagbabawal na gamot na “melodonin” na nakita sa kanyang doping test sa paglahok sa Australian Open nitong Enero.

Ayon kay Sharapova, may 10 taon na niyang ginagamit ang naturang gamot para sa kanyang karamdaman. Nito lamang Enero naging epektibo ang pagbabawal sa naturang gamot.

Ayon kay RTF president Shamil Tarpishchec, umaasa silang maaalis ang suspensiyon kay Sharapova bago ang Rio Games.

Adamson University, kinilala 'hakot award victory' ni Karl Eldrew Yulo

“But if she isn’t able to compete, then the next-highest player on the ranking list will go into the team,” aniya.

May apat na slot ang Russia sa women’s singles tournament at sa kasalukuyan, pitong Russian player ang kabilang sa World top 56, ang cutoff point para sa Olympics qualifying.