Handa ang Kamara na agarang ipagkaloob ang suportang legal na magbibigay kay incoming President Rodrigo Duterte ng “extra power” upang solusyunan ang matinding pagsisikip ng trapiko na ilang taon nang namemerhuwisyo sa Metro Manila.

Ito ang ipinangako ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, ang napipisil ni Duterte para maging susunod na House Speaker, at sinabing ang trapiko sa Metro Manila at sa iba pang pangunahing lungsod sa bansa ang agad na tututukan ng susunod na administrasyon, kasabay ng pagsugpo sa ilegal na droga at kriminalidad.

“I think the executive needs the support of Congress to have extra power to fix traffic in Metro Manila. As a lawyer, I know that addressing this problem will face strong opposition from those who want to protect their own interest,” sabi ni Alvarez. “If we are really serious in fixing this crisis, we need some drastic measures to do it.”

Aminado naman si Alvarez na sasandigan niya ang suporta ng mga bagong kaalyado sa Mababang Kapulungan, karamihan ay kasapi ng mga partido pulitikal ng mga nakatunggali ni Duterte sa pagkapangulo.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“We have to do this as soon as possible because Mayor Duterte is a result-oriented person,” sabi ni Alvarez.

(Ben R. Rosario)