CAPAS, Tarlac - Naka-confine ngayon sa ospital ang isang 64-anyos na lalaki makaraan siyang paghihiwain ng jungle bolo sa magkabilang kamay ng kaibigan niya na hindi niya pinautang ng pera sa Sitio Makalawang, Barangay Cut-Cut 1st, Capas, Tarlac.

Ang biktima ay si Edison Montoya, may asawa, habang patuloy pang pinaghahanap ng pulisya si Michael Tantingco, 25, ng Bgy. Cut-Cut 1st, Capas.

Ayon sa report, nangyari ang insidente dakong 1:45 ng umaga, nang mangutang ng pera si Tantingco pero ikinatwiran ng biktima na masyado pang maaga at bumalik na lang ito sa susunod na araw.

Hindi ito nagustuhan ng suspek, na sa matinding inis ay kumuha ng jungle bolo at pinaghihiwa ang magkabilang kamay ng kaibigan. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog