MAUUSO na rin kaya ang naked pregnancy selfie? Kinabog ni Blac Chyna ang mga Kardashian nitong Huwebes, ibinahagi ang isang mirror selfie at ipinakita ang kanyang baby bump sa Snapchat at sa Instagram. Sa litrato, nakasuot ng makulay na pantalon at itim na bra ang 28 taong gulang na aktres at TV personality.

Ibinalandra ng fiancée ni Rob Kardashian ang kanyang skin-tight look, na halos kahawig ng pregnancy poses ni Kim Kardashian noong buntis pa ito.

Sabik na sabik si Chyna sa kanyang ikalawang anak, ang sumunod sa panganay niyang si King Cairo courtesy ng dating kasintahan niyang si Tyga.

“For a long time I felt like King was going to be an only child. That he was my greatest blessing and we were gonna live happily ever after together Just the 2 of us,” ani Chyna sa Instagram post. “I was no longer looking for love because I thought I had all that I needed. We needed. But look at God ! Here I am Engaged to be married to one of the greatest men I know who loves King & I unconditionally AND having another bundle of joy!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bagammat nagustuhan niya ang hugis ng kanyang katawan, nagulat si Chyna nang malaman niya na nadagdagan siya ng 20 pounds nitong huling bahagi ng Mayo, na kanyang ibinahagi sa Snapchat.

“Uh oh, Mommy gained 20 pounds!” pahayag ni Chyna sa clip, at ipinakita ang kanyang timbang na nasa 163 pounds.

(ET Online)