jason-and-melai copy copy

USAP-USAPAN sa ABS-CBN compound kahapon na naghiwalay sina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Nagulat na lang ang mga tao sa studio ng programang Magandang Buhay kahapon nang mag-iiyak off-camera ang isa sa hosts na si Melai dahil sa gusot nila ng asawa.

Hindi naman daw nagsasalita si Melai, pero pagkatapos ng show ay nagkulong na siya sa dressing room.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May mga nagsabing naghiwalay na raw kasi sina Melai at Jason sa hindi pa malamang dahilan.

Habang tinitipa namin ang item na ito kahapon ay inaabangan ng TV reporters si Jason sa It’s Showtime para hingan ng reaksiyon kung bakit humantong sa hiwalayan ang married life nila.

May tsikang hindi na raw kasi nagkikita ang dalawa dahil pareho silang busy sa kani-kaniyang career.

Dalawa ang regular show ni Melai, ang Magandang Buhay kasama sina Karla Estrada at Jolina Magdangal at ang We Will Survive kasama naman si Pokwang samantalang si Jason ay nasa cast naman ng Super Dad nina Dominic Ochoa at Marco Masa.

Parang hindi akma ang programang Magandang Buhay kay Melai ngayong may problema silang mag-asawa, pero naniniwala naman kami na masu-‘survive’ niya ito.

Samantalang si Jason ay nagiging super dad sa kanilang anak dahil busy si Mommy Melai.

Wish naming magkaayos ang dalawa, susme sa rami na nilang pinagdaanan sa buhay ngayon pa ba sila susuko?

(REGGEE BONOAN)