SANTA IGNACIA, Tarlac – Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang pagkamatay ng isang retiradong sundalo na natagpuang may tama ng bala sa binti sa pagkakaupo sa Purok Saniata, Barangay Botbotones, Santa Ignacia, Tarlac.

Sa report ni SPO1 Reynante Lacuesta, ang natagpuang patay ay si Valentine Cortez, 61, may asawa, ng nasabing barangay.

Dakong 5:40 ng hapon nang nagtungo ang asawa ng sundalo na si Milagros Cortez, nasa hustong gulang, sa rest house na malapit sa ipinagagawa nilang bahay hanggang makita niya ang asawa na may tama ng bala sa binti at patay na sa kinauupuan nito. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog