Tatlong matitinding laro, tampok ang malahiganteng salpukan ng nagtatanggol na kampeong Philippine Air Force at National University ang magaganap ngayon sa pagpapatuloy ng 2016 PSC Commissioners Baseball Cup sa makasaysayang Rizal Memorial Baseball Field.

Papainitin ng UAAP Season 78th runner-up Ateneo De Manila at Thunderz ang maghapong aksiyon sa unang laro sa ganap na 7:00 ng umaga bago sundan ng inaasahang magiging maigting na salpukan ng NU Bulldogs at PAF Ballbusters sa ganap na 9:00 ng umaga.

Huling magsasagupa ang Ateneo De Manila B kontra reigning SCAA champion Rizal Technological University (RTU) sa grassroots sports development na torneo na pagbabasehan upang mapili ang mga atleta na makakapagrepresenta sa Pilipinas sa internasyonal na torneo.

Huling dinurog ng Ateneo Blue Eagles sa loob ng limang inning at puwersahin ang LS Antipolo sa conceded game, 20-1 runs, habang sasabak sa una nitong laro ang Thunderz.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Kinolekta naman ng NU Bulldogs ang ikatlong sunod nitong panalo sa pagbigo sa MC Dream ng Korea, 11-9, para mapanatili ang malinis nitong kartada. Gayunman, inaasahang masusubok ang mga batang Bulldogs kontra sa beteranong at back-to-back champion na PAF na huling binigo ang MC Dream Korea, 4-0. (Angie Oredo)