Raptors Cavaliers Basketball

Raptors, nawalan ng pangil; Cavs, arya sa 3-2.

CLEVELAND (AP) — Maagang napatahimik ng Cavaliers ang Toronto Raptors para maitarak ang pinakamalaking 34 na puntos na bentahe tungo sa makawasak morale na 116-78 panalo sa Game 5 ng Eastern Conference best-of-seven finals nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Kumubra si LeBron James sa 23 puntos at hindi na naglaro sa final period, habang nagbalik ang angas ni Kevin Love para makatipa ng 25 puntos at sandigan ang Cleveland sa 3-2 bentahe.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Makakausad sa NBA Finals sa ikalawang sunod na season ang Cavaliers sa panalo sa Game 6 sa Biyernes (Sabado sa Manila), sa Toronto.

“We gotta come out from the beginning and that starts with the Big 3,” pahayag ni James, patungkol sa kapatiran nila nina Love at Kyrie Irving, nagsalansan ng 23 puntos.

Matikas ang simula ng Cavs at kinasiyahan ng suwerte sa kabuuan ng laro para maipatikim sa Raptors ang pinakamasaklap na kabiguan sa playoff na inaasahang hindi mawawaglit sa kanilang isipan.

“They kicked our butts, bottom line,” pag-amin ni Raptors coach Dwane Casey. “That’s been all three ballgames.”

Humirit din si James ng walong assist at anim na rebound sa loob ng 31 minuto. Inilabas siya ni coach Tyrone Lue nang maitarak ng Cavs ang 37 puntos na kalamangan tungo sa final period.

“They are a different team here,” sambit ni Casey.

“We came in here with a chance to do something special and we didn’t get it done. They pushed us around and took what they wanted.”

Muling nakoberan ang galaw nina DeMar DeRozan at Kyle lowry na umiskor ng 14 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nakontrol din ng Cavs si backup center Bismack Biyombo sa apat na rebound. Nahugot niya ang kabuuang 40 rebound sa huling dalawang laro.

Nagbalik sa line-up ng Raptors ang galing sa injury na si Jonas Valancuinas, ngunit nalimitahan din ang Serbian sa siyam na puntos sa 18 minuto.

Impresibo ang opensa ni Love, taliwas sa kanyang performance sa Game Three at Four sa naisalpak na kabuuang 5 of 23. Tumapos siya na may 8-of-10 shooting.

“Kevin Love being Kevin Love,” sambit ni Cavs coach Tyronn Lue.

“He had two bad shooting games and we made a big deal out of it. Nothing he does amazes me. We gotta keep him aggressive all the time.”

“It was a bounce-back game for him,” pahayag ni James. “He’s a true professional.”