SUNSHINE & KIDS copy

NASA taping ng Dolce Amore si Sunshine Cruz sa Calumpit, Bulacan at nasa happy mode nang ibida sa amin ang bonding ng kanyang tatlong dalaginding na sina Francheska, Samantha, at Isabelle kay Diego Loyzaga na kapatid ng mga ito sa ama (Cesar Montano).

Sey ni Sunshine, nagkita-kita ang magkakapatid nang isama niya ang daughters niya sa kaarawan ni Diego. Tuwang-tuwa naman daw si Diego na nakasama nito ang mga kapatid na sa totoo lang ay pawang artistahin din, huh!

Nagkuwento rin si Shine na panay ang palitan ng text messages ng mga anak niya kay Diego. Alam ni Sunshine na with Diego around, bukod sa pangaral ay protektado ang kanyang tatlong Tres Marias.

Human-Interest

Anim na transplant patients sa Brazil nahawa ng HIV sa organ donors

Samantala, inilibing ang ina ni Cesar Montano na lola ng mga anak ni Sunshine na hindi nakadalaw si Sunshine at ang kanyang tatlong anak.

May off the record na rason si Sunshine kung bakit hindi siya nakarating at hindi na rin niya pinapunta ang mga anak niya.

“Surely, Nanay will understand the situation. We love Nanay Emma. Ang bait niya sa amin at mahal niya ang mga bata, pero as much na gustuhin ko at kahit mga bata na papuntahin, eh, maiintindihan na niya ‘yun. Anyway, naipagdasal na namin siya at patuloy naming siyang ipagdadasal,” sey pa ni Sunshine. (JIMI ESCALA)