MAINE AT ALDEN1 copy

PABORITONG i-hack ang mga social media accounts ni Maine Mendoza.

Dalawang beses nang na-hack ang Twitter account ni Maine pero hindi na puwedeng mapakialaman ngayon dahil secured na ito. Sumunod na na-hack ang kanyang Instagram account na medyo natagalan bago na-reconcile ng IT expert na si Carlo Ople.

Pero noong isang araw, nag-post si @raetristan na Facebook account na naman uli ni Maine ang na-hack na napakialaman na rin last year. Sumunod, nag-tweet si Maine na kailangan niya ang 30 admins para sa kanyang Facebook.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero may nag-post na fan sa kanyang IG: “Hindi po ako ang hacker ng account ni Yaya Dub. Member po ako ng isang company. Actually, na-hack po iyong account niya last year but binawi ko lang po ngayon, pasensiya na po talaga.

Ibabalik ko rin po ito sa susunod. Sa lahat ng fans po na nagagalit, sorry po pero wala po akong kasalanan. Peace!

Sana maintindihan ninyo. Salamat.”

Wala pang update kung naibalik na ang Facebook ni Maine, dahil may post pa to refrain from connecting to her account until further notice. May 1.48 million followers si Maine nang ma-hack ang kanyang account. Pero may fan pages naman siya na mapagkukunan ng latest news tungkol sa kanya at sa shooting nila ni Alden Richards sa Italy ng movie nilang Imagine You & Me (working title).

Araw-araw din ay nagpapadala ng video si Maine as Divina sa kanyang mga Lola Nidora (Wally Bayola) at Tinidora (Jose Manalo), ang latest niyang ipinadala ay nang pumunta sila sa Casa de Guiletta (bahay ni Juliet na ginamit sa Romeo & Juliet ni William Shakespeare) sa Verona, Italy. Bago umakyat ng bahay sina Maine at Alden, nag-iwan muna ng love letter si Maine at sana raw ay pakinggan ni Juliet ang kanyang request.

Iyon daw kasi ang kasabihan, na kung may request ang lovers na pupunta roon, idikit lang sa Juliet’s wall at baka matupad ang request nila. Tanong ng fans sa pamamagitan ng Instagram, ano raw kaya ang hiniling ni Maine kay Juliet, tungkol kaya sa kanila ni Alden, patungo sa forever?

Ipinakita nina Maine at Alden ang room ni Juliet na ayos na ayos at ang costumes na ginamit nina Romeo at Juliet nang gawin ang movie. Tuluy-tuloy pa rin ang shooting ng movie at kung masusunod nila ang timetable ng shooting, by May 27 ay babalik na sila ng Pilipinas. (NORA CALDERON)