Isang barangay chairman ang napatay habang sugatan naman ang kapatid niyang negosyante makaraan silang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Poblacion 3, Clarin, Misamis Occidental, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa ulat ng Clarin Municipal Police, nasawi si Philip Fernandez Sia, 40, chairman ng Bgy. Centro Hulpa sa Tudela, Misamis Occidental; habang nagpapagaling na ang kapatid niyang si Juphil Fernandez Sia, 37, negosyante.

Sinabi ng pulisya na galing sa Ozamiz City ang magkapatid at sakay sa Toyota Wigo patungo sa Tudela nang tambangan ng mga suspek na armado ng .9mm pistol.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Hindi pa alam ng pulisya ang motibo sa pananambang sa magkapatid. (Fer Taboy)