CEBU CITY – Magsusumite ang Police Regional Office (PRO)-7 ng listahan ng mga drug personality na kumikilos sa Cebu at sa Central Visayas.

Ito ang inihayag ni PRO-7 Director, Chief Supt. Patrocinio Comendador, na nagsabing kabilang sa listahan ang mga high-value target.

Bagamat hindi pinangalanan ang mga nasa listahan, sinabi ni Comendador sa mga mamamahayag na ang mga personalidad ay ang nakatakdang arestuhin ng pulisya.

“These are notorious drug personalities and surveillance on them is ongoing,” sabi ni Comendador.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Inaresto ng pulisya nitong Linggo ang isang hinihinalang drug pusher at kinumpiska mula sa kanya ang mahigit P400,000 halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay Manlayag Patag, Danao City.

Sa pangunguna ni Senior Insp. Alejandro Batobalonos, ng Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (CAIDSOTG) ng Danao City Police, dinakip si Victor Luchavez, 36, dakong 3:30 ng umaga sa isang buy-bust operation.

Sa Cebu City, pitong katao, kabilang ang dalawang menor de edad, ang inaresto sa pag-iingat ng ilegal na droga sa Bgy. Ermita.

Nagpapatrulya ang mga operatiba ng Carbon Police sa Sitio Bato sa Bgy. Ermita nang maaktuhan nila ang suspek sa paggamit ng shabu, dakong 12:30 ng hatinggabi. - Mars W. Mosqueda, Jr.