Princess Superal

Matikas na sinimulan ng mga Pinay golfer na sina Princess Superal at Pauline del Rosario ang kampanya sa naiskor na 66 para sa isang stroke, sa opening round ng stroke play sa 2016 US Women’s Amateur Four-Ball Championship nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa Streamsong Resort sa Florida.

Kapwa nakabuntot sina Superal, 2014 US Girls’ Junior champion, at Del Rosario sa nangungunang sina American Sierra Brooks at Kristen Gillman.

Kasama ng Pinay sa ikalawang puwesto sina Florida’s 2015 US Women’s Amateur Four-Ball medalist Kendall Griffin at Athena Yang, gayundin sina Mexico’s Evelyn Arguelles at Isabella Fierro.

Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

Bawat koponan ay lumaro sa 36 holes ng stroke play bago ang limang round na match play.

Kapwa umiskor ng pitong birdie sina Superal at Del Rosario, kabilang ang tatlong sunod mula sa No.6, bukod sa isang bogey sa 6,216-yard, par-72 course.

“We missed some putts, so we’re fairly contented with today, but we can do much better tomorrow,” pahayag ni Del Rosario sa panayam ng usga.com.

“The greens were tough so we’re quite happy with our performance on the greens.”

Magkasosyo naman sa ika-35 ang dalawa pang Pinay na sina Sofia Chabon at Mikhaela Fortuna, na parehong nakapagsumite ng 72.