Nabigyan ng ikalawang pagkakataon si mandatory challenger Jonathan Taconing na muling lumaban para sa WBC light flyweight title sa paghamon sa kampeong si Ganigan Lopez sa Hunyo 11, sa Mexico.

Taong 2012 pa dapat tatanghaling WBC Light Flyweight Champion si Taconing, ngunit nalutong Macao siya nang itigil ang laban habang binubugbog niya si Thai champion Kompayak Prompramook at ideklarang nanalo ang huli sa 6th round technical decision sa sagupaang ginanap sa Buriram, Thailand.

May rekord si Taconing na 22-2-1, tampok ang 18 knockouts at unang lumaban sa Mexico noong 2015 nang patulugin sa 10th round si dating WBO light flyweight titlist Ramon Garcia Hirales sa Mexico City.

Nakuha ni Lopez nitong Marso ang WBC title nang talunin sa puntos ang dating kampeon na si Japanese Yu Kimura na kabilang sa mga umiwas magdepensa kay Taconing.

Philippine Dragon Boat Team, sumungkit ng 8 ginto sa World Championship!

May kartada si Lopez na 27-6-0, kabilang ang 17 knockouts at minsan siyang pinatulog sa 2nd round ni dating WBC minimumweight Silver champion Denver Cuello noong 2012 sa Guanajuato, Mexico. (Gilbert Espena)