SYLVIA copy

SA isang private resort sa Punta de Uian San Antonio, Zambales ipinagdiwang ni Sylvia Sanchez ang 45th birthday niya kasama ang pamilya, mga kapatid, at ilang malalapit na kaibigan.

Hindi nakasama sina Arjo at Ria Atayde dahil may taping sila ng FPJ’s Ang Probinsyano at ng Maalaala Mo Kaya.

Masaya si Ibyang dahil halos lahat daw ng wishes niya sa buhay ay unti-unting natutupad, tulad ng pangarap niyang makilala si Arjo at makapasok si Ria na unti-unti na ring napapansin.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Masaya ako, Reggs, kasi ang mga anak kong sina Arjo at Ria, natupad na ‘yung pangarap nila, sana magtuluy-tuloy na sila. Ang asawa kong si Art (Atayde) steady lang ang negosyo, mga kapatid ko, pamilya ko sa Mindanao, in good health lahat.

“Siyempre sa career ko, steady lang din, okay na ako na hindi nawawalan ng projects, nagkakaedad na rin kaya hindi na puwedeng lumagare nang husto. Kuntento naman na ako kung anong meron ako,” pahayag ng aktres.

“Isa pang ‘pinagpapasalamat ko, hindi natitikman ng mga anak ko ang ma-bash. Mabait ang netizens sa mga anak ko kaya bilin ko talaga kina Arjo at Ria na huwag silang gagawa ng dahilan para ma-bash sila dahil makakaapekto ‘yun sa kanila. Eh, siyempre nanay ako, ayokong makabasa ng hindi maganda, masasaktan talaga ako para sa kanila.”

May wish din si Sylvia para sa kanyang manager na si Tita Angge na hanggang ngayon ay tulog pa rin sa hospital.

“Nahihirapan ako, Reggs, nasasaktan ako for Tita A kasi nakikita kong hirap na hirap na siya. Bahala na si Lord, pero sana magkaroon ng himala at gusto ko na siyang makakuwentuhan, nami-miss ko na ‘yung sigaw niya at pangungulit,” seryosong sabi ng aktres.

Samantala, abot-tenga ang ngiti ng aktres dahil maganda ang feedback ng fantaseryeng Super Dad kasama sina Dominic Ochoa at Marco Masa handog ng Dreamscape Entertainment. (Reggee Bonoan)