Nanawagan ang pinakamalaking grupo ng manggagawa sa bansa kay presumptive President Rodrigo Duterte na pagkalooban ang mga kumikita ng minimum sa bansa ng P2,000 cash subsidy upang makaagapay ang mga ito sa malaking gastusin para sa disenteng pamumuhay.

Sinabi ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Spokesperson Alan Tanjusay na ang panukala nilang subsidiya para sa mga manggagawa ay katulad ng Conditional Cash Transfer (CCT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pinakamahihirap sa bansa.

Gayunman, sa halip na pera, bibigyan ang mga manggagawa ng card na magagamit sa mga pangunahing bayarin.

“The scheme is for government to provide P2,000 monthly cash subsidy for all minimum-waged earners out of the government annual cash surplus. The card will be used to purchase basic commodities and pay for utility bills and tuition fees,” paliwanag ni Tanjusay.

National

VP Sara sa kaniyang plano sa politika: ‘It is always God’s purpose that shall prevail!’

Una nang iginiit ng TUCP ang pagbuwag sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB), na nag-aaral at nagdedesisyon sa ipagkakaloob na umento sa kani-kanilang hurisdiksiyon, at iminungkahing palitan ito ng National Wage Board. (Samuel P. Medenilla)