PARIS (AP) — Posibleng makaharap ni Novak Djokovic si nine-time champion Rafael Nadal sa French Open semi-finals sa kanyang pagtatangka sa career Grand Slam o ‘Nole Slam’.

Kasama ng top-ranked Serb, sasabak sa opening round kontra Lu Yen-hsun, ang Spanish star sa parehong bracket ng main draw.

Ginapi ni Djokovic, tanyag sa tawag na ‘Nole’, si Nadal sa quarterfinal sa nakalipas na taon, ikalawang kabiguan ng Spaniard sa Roland Garros.

Posible namang magtagpo ang landas nina defending champion Stan Wawrinka at Andy Murray sa hiwalay na semi-final match.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Dagok kay Djokovic ang kampanya sa nakalipas sa French Open sa nakalipas na apat na taon. Sakaling mangibabaw ngayong taon, makakamit niya ang ikaapat na major championships – kauna-unahan mula nang makopo ni Rod Laver ang tunay na Grand Slam noong 1969.

“I know he’s looking for that title,” sambit ni Wawrinka, nagwagi kay Djokovic sa 2015 final. “I hope he will get one, one day, because he deserves one.”

Sa pagkakataong ito, mas mataas ang pedestal kay Djokovic, target na tanghaling kauna-unahang player sa nakalipas na 50 taon na nakapagwagi ng apat na sunod na major title.

Hindi ito nagawa ni Roger Federer, gayundin ni Nadal. Maging ang hall-of-famer na sina Pete Sampras at Bjorn Borg ay nabigo sa kasaysayan.

Napagwagian ni Djokovic ang Wimbledon at U.S. Open sa nakalipas na season, gayundin ang Australian Open noong Enero.

“My confidence level is high because of the matches — many matches — that I have won this year,” aniya.