Tinanghal na kampeon sina Kylen Joy Mordido at Daniel Quizon sa tampok na Under 15 category sa pagtatapos ng 2016 National Schools and Youth Chess Championships kamakailan sa Philippine Sports Commission (PSC) National Athletes Dining Hall ng Rizal Memorial Sports Complex.

Nagtala ang 14-anyos na si Mordido ng Dasmariñas Team ng 4.5 puntos sa posibleng lima sa kanyang apat na panalo at isang tabla upang magwagi sa Girls Under-15.

Nagwagi ito kontra kina 8th seed Rohanisah Buto, 5th seed Divine Grace, 4th seed Jarel Renz Lacamba, at 3rdseed Queenie Mae Samarita bago nakipag-draw kay 7th seed Princes Nicole Ballete.

Iniuwi naman ng top seed na si Quizon, 11-anyos at incoming grade six sa San Juan Elementary School – Taytay, ang korona sa 27 lahok na Boys 15-below, tangan ang 4.0 puntos matapos biguin sina No. 14 Carl AnthonyCanio, 8th seed Andrew Sepungco, at 7th seed Jose David Tapia. Nakipaghati ito sa puntos kina 6thseed Jesca Docena at 2nd seed Michael Concio, Jr.

Rebisco, DepEd nagkasundo sa pagbuo ng volleyball program katuwang ang Creamline

Nagwagi rin sa torneo sina Leonel Escote ng Pasig City at Chelo Cheska Camus ng Angeles City bilang boys and girls U13 champions.

Wagi rin sina Mark Jay Bacojo at Chelo Cheska Camus (B & G U11), Mark Jay Bacojo ng Pasig at Jerlyn Mae San Diego ng Dasmariñas (B&G U11champs), Al Basher Buto ng Cainta at Chessica Fiona Sadey (B&G U9winners), at Mecel Angela Gadut (G 7-below winner). (Angie Oredo)