MEGAN AT MARK copy

BALIK sa paglalagare sa taping si Mark Herras dahil mag-aabot ang dalawa niyang show sa GMA-7. Kasisimula lang nila ng taping ng bagong Afternoon Prime na may working title na Womb for Hire, nang mag-storycon naman para sa comedy show niyang Conan My Beautician.

Kung sa afternoon soap ay mag-aagawan sina Yasmien Kurdi at Katrina Halili sa kanya, sa comedy show ay si Megan Young ang solong leading lady niya. Siguradong may manunukso kay Mark na lume-level up siya kay Mikael Daez na real boyfriend ni Megan.

Ang Womb for Hire na mula sa direksiyon ni Gil Tejada at ipapalit sa Hanggang Makita Kang Muli ay may controversial story tungkol sa surrogate mother. Ang Conan naman ay produced ng GMA Public Affairs sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Sigurado kaming maiintindihan ni Wynwyn Marquez kung mawalan man ng time sa kanya si Mark paminsan-minsan at hindi siya mabibisita. Pareho na rin silang nasa tamang edad para bumuo ng pamilya at hindi nakakagulat kung isang araw, mag-propose na lang sa kanya si Mark. (Nitz Miralles)