John Lloyd copy

DALAWANG nominations ang nakuha ni John Lloyd Cruz sa darating na bigayan ng trophy para sa 2016 Gawad Urian. Sa Honor Thy Father at sa A Second Chance nakakuha ng double nomination ang magaling na aktor.

Sa kanyang panayam kamakailan, sabi ni Lloydie, “Ako po ang pinakamasaya at overwhelmed na napansin ng Urian ang performance ko sa mga pelikulang ‘yan. Hindi po mangyayari ‘yan kung wala ang suporta at tiwala sa akin ng producers at nakasama ko sa movie under Star Cinema at Reality Entertainment,” pahayag ng aktor. 

Sinagot din ni John Lloyd, pero limitado pa, ang tungkol sa binubuong union ng mga manggagawa sa pelikula at telebisyon para sa kaukulang oras ng pagtatrabaho na kung tutuusin ay para na rin sa kapakanan nilang artista.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“May proper forum at lugar para pag-usapan ‘yan kasi baka magkaroon ng ibang kulay, eh, baka imbes na makatulong makasama pa sa iyo. So sana magkaroon ng proper forum tungkol dito,” ani John Lloyd. (ADOR SALUTA)