LOUISE, BARBIE, JOYCE, AT BEA copy

HEARTWARMING malaman na nanatiling intact at matatag ang friendship nina Barbie Forteza, Louise delos Reyes, Joyce Ching at Bea Binene na nabuo nang magkasama sila sa Tweenhearts. Kahit nagkikita-kita naman silang apat paminsan-minsan sa GMA-7, they make it a point na mag-date pa rin once a month at natutupad ito kahit busy sila.

Tuwang-tuwa ang mga nakakita sa apat sa “date night” nila sa Capitol Commons having a good time at parang hindi mga artista na sumalampak sa tabi ng isang restaurant yata at doon nag-pictorial.

Friendship goals ang apat at bagong dagdag sa grupo nila si Gabbi Garcia na mabilis nag-swak sa kanila at winelcome nilang parang matagal nang member ng grupo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang maganda sa apat, walang inggitan at tinutulungan ang bawat isa kapag may bagong show ang sinuman sa kanila. So, asahan natin na ipo-promote rin nina Barbie, Joyce at Bea ang Magkabilang Mundo na pinagbibidahan ni Louise at airing sa May 28. Pati na rin ang Encantadia na kasama naman si Gabbi at airing sa July.

Ang wish ngayon ng fans ng apat ay muli silang pagsamahin ng GMA-7 sa isang show at isama na rin ang buong grupo ng Tweenhearts noon kabilang sina Joshua Dionisio, Lexi Fernandez at Yassi Pressman.

Talo lang ni Barbie ang mga kaibigan dahil ang may love life na siya ngayon, samantalang sina Louise, Joyce at Bea ay nganga. As in.