Dinakip ng awtoridad ang isang vendor na nagtangkang magnakaw ng dalawa piraso ng tablang plywood sa isang construction site sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sinabi sa pulisya ng construction worker na si Arnold Cariño, 25, na nasa ibabaw siya ng dump truck dakong 1:00 ng umaga kahapon at naghahanda sa paghahakot ng buhangin nang makita niya ang suspek na si Rex Tabao, 39, vendor at taga-Sampaloc, habang pasimpleng kinukuha ang dalawang plywood, na nagkakahalaga ng P2,000, at pagkatapos ay isinakay ito sa sariling pedicab.

Tinanong ni Cariño ang mga kapwa obrero kung kilala nila ang suspek at kung may permiso sa management ang pagkuha nito ng plywood.

Nang mapagtantong inumit ni Tabao ang table, agad na bumaba ang mga obrero upang pigilan ang pag-alis ng suspek sa lugar.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mismong ang mga obrero ang nagdala kay Tabao sa pulisya, at inihahanda na ngayon ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya. (Jenny F. Manongdo)