ALOGUINSAN, Cebu – Tatlong bangkay na may mga tama ng bala ang natagpuan sa ilalim ng isang nakataob na bangka sa dalampasigan ng Barangay Poblacion sa bayang ito, kahapon ng madaling araw.

Hindi pa natutukoy ng pulisya ang pagkakilanlan ng tatlong biktima, na ang mga bangkay ay natagpuan pasado 3:00 ng umaga kahapon sa ilalim ng isang nakataob na bangka.

Ayon kay Aloguinsan Police chief Senior Insp. Armando Labaro, posibleng sa ibang lugar binaril ang mga biktima at dinala ang mga bangkay ng mga ito sa dalampasigan ng Bgy. Poblacion.

Sa salaysay ng mag-asawang Sherwin at Miriam Adan, pasakay na sila sa kanilang bangka nang makita nila ang nakataob na bangka, na bahagyang nasunog. Binaligtad nila ang bangka at nakita nila ang tatlong bangkay sa ilalim nito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nadiskubre ng pulisya ang isang .357 caliber na baril malapit sa kinatagpuan sa tatlong biktima, na pawang hindi taga-Bgy. Poblacion. (Mars W. Mosqueda Jr.)