CAIRO (AP) – Isang EgyptAir flight mula Paris patungong Cairo na may sakay na 66 na pasahero at crew ang bumulusok sa Mediterranean Sea nitong Huwebes ng umaga sa baybayin ng isla ng Crete, Greece, sinabi ng Egyptian at Greek officials.

Nagpahayag si Egyptian Prime Minister Sherif Ismail na masyado pang maaga para sabihin kung technical problem o isang terror attack ang dahilan ng pagbulusok ng eroplano. "We cannot rule anything out," aniya sa mamamahayag sa Cairo airport.

Naglaho ang EgyptAir Flight 804 sa radar dakong 2:45 ng umaga local time nang lumilipad ito sa taas na 37,000 talampakan, ayon sa airline. Sinabi nito na ang Airbus A320 ay naglaho 10 milya (16 kilometro) matapos pumasok sa Egyptian airspace, tinatayang 280 kilometro (175 milya) sa coastline ng Egypt sa hilaga ng Mediterranean port city ng Alexandria. Sinabi ng Egyptian aviation officials na bumulusok ang eroplano at sinimulan na ang paghahap sa debris.

Kasama ang Egyptian military aircraft at navy ships sa search operation sa Mediterranean coast ng Egypt para hanapin ang debris ng eroplano, na may sakaay na 56 na pasahero, kabilang ang isang bata at dalawang sanggol, at 10 crew member. Ang piloto ay mayroong mahigit 6,000 flight hours.

National

Meralco, tapyas-singil sa kuryente ngayong Mayo

Sumali rin sa search and rescue operation ang Greece sa ipinadalang dalawang aircraft, sinabi ng mga opisyal sa Hellenic National Defense General Staff.

Nag-alok naman si French Foreign Minister Jean-Marc Ayrault na magpadala ng mga military plane at bangka para samahan ang paghahanap ng mga Egyptian sa wreckage.