ALDEN, MAINE AT JASMINE copy

ISYU pala sa ibang Aldub Nation fans ang pagpunta ni Alden Richards sa Vatican nang hindi kasama si Maine Mendoza. Inakusahan na naman si Alden na nang-iiwan ng ka-love team, na lumalakad mag-isa at pang-showbiz lang ang pagiging sweet kay Maine.

Kahit sinabi ng ibang fans na nagsu-shooting pa si Maine ng Imagine You and Me kaya hindi nakasama kay Alden at malamang aprubado ni Maine ang pagpunta sa Vatican ni Alden, ayaw pa ring paawat ang iba sa pagtatampo kay Alden.

Pero sayang kung hindi sinuwerte si Alden na makita si Pope Francis dahil every Wednesday lang daw ito lumalabas at nagpapakita sa mga pumupunta sa Vatican. Sana ay may time siyang makabalik sa Vatican at makita na si Pope Francis at kasama na niya si Maine para matigil na ang pamba-bash sa kanya porke hindi lang niya nakasama ang ka-love team.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Anyway, tuluy-tuloy ang shooting ng pelikula nina Alden at Maine sa direction ni Mike Tuviera. Kasama na nila si Jasmine Curtis-Smith at sana, magtuluy-tuloy na walang umaaway at namba-bash kay Jasmine porke kasama siya sa Aldub movie.

Pero kung totoong kasama ni Jasmine sa Italy ang boyfriend na si Jeff Ortega, lalong walang rason ang selosang Aldub fans na i-bash si Jasmine. Malinaw na trabaho ang ipinunta niya sa Italy at hindi ang makipag-close kay Alden.

(Nitz Miralles)