Tinanggap ng Pilipinas ang kabuuang 1.6-milyong banyagang turista sa first quarter ng 2016, sinuportahan ng agresibong marketing activities at international events sa ilalim ng ‘Visit the Philippines Again’ campaign nito, inihayag ng Department of Tourism (DoT) noong Miyerkules.
Sinabi ni DoT Asst. Sec. Rolando Canizal na ang bilang na ito ay tumaas ng halos 15 porsiyento kumpara sa 1.39 milyong natamo sa parehong quarter ng nakaraang taon.
“The growth is attributed to the good perception of the Philippines as a destination as shown by various awards and citations given by international travel organizations and the successful hosting of APEC and other events,” sabi ni Canizal sa isang text message.
Nitong Enero 18 hanggang 22, ang Pilipinas ay naging host ng ASEAN Tourism Forum (ATF), isang cooperative regional meeting na naglalayong isulong ang ASEAN region bilang single tourist destination.
Ang bansa ay naging punong abala rin ng iba pang big-ticket events gaya ng Routes Asia noong Marso 6 hanggang 8, at ng second edition ng Madrid Fusion Manila nitong Abril 7 hanggang 9. (PNA)