TOJO (broom broom Page 11) copy

LUMALAKI ang merkado, dumarami ang modelo.

Ito ngayon ang estado ng industriya ng electric vehicles sa bansa na ang iba’t ibang lokal na pamahalaan sa bansa ang ngayo’y pangunahing tumatangkilik sa mga makakalikasang produkto.

Sinabi ng pangulo ng Electric Vehicle Association of the Philippines (EVAP) na si Rommel Juan na nagbibigay-daan din ang paglobo ng industriya ng electric vehicles sa mas maraming trabaho sa bansa.

Human-Interest

‘Sana all!’ Lalaking ‘pinamper’ ng apat na nail trainers, kinaaliwan!

Ang mga sumusunod na programa ng electric vehicle ang patok ngayon sa mga Local Goverment Unit (LGU).

1. EVWealth. Isang uri ng electric-tricycle na kayang magsakay ng hanggang anim na pasahero, mayroong entrada sa likuran ang EVWealth at doon magkakaharap ang mga pasahero na nakaupo sa magkabilang bangko. Ito ay tumatakbo sa pamamagitan ng isang 48-volt lithium ion battery na mabilis ang charging at madaling palitan.

Mahigit 100 EVWealth e-trike ang ginagamit ngayon sa Mandaluyong bilang pampublikong sasakyan at government service vehicle.

2. Kea Industrial. Itong electric vehicle company na ito na nakabase sa Cavite ay nakipagtambalan sa EV technology solutions provider na Talino EV, na gawang-Pinoy, upang magkumpuni ng sarili nitong lithium ion battery system na kumpleto ng management system para sa e-trike.

Ito ay five-seater, side entrance model at ginagamit ngayon sa mga pabrika at residential area sa Cavite.

Sampung e-trike ang binili ng pamahalaan ng Bacoor City sa Cavite sa pamumuno ni Mayor Strike Revilla.

3. Bemac. Ang Bemac ay isang kumpanya na nakakopo ng kontrata sa pagsu-supply ng 3,000 e-trike sa Department of Energy (DoE) na naatasang ipamahagi ang mga ito sa mga lokal na pamahalaan.

Bago pa man ilunsad ng Bemac ang e-trike sa Boracay Island, nakalilikha na ito ng isang 48-volt, 5kW model na tinaguriang “68VM” na maaaring i-charge kahit saan.

4. Tojo Motors. Ang Tojo Motors ay isa sa mga kumpanya na unang nag-alok ng e-trike program sa Boracay. Ginagamit nito ang modernong 48-volt, 7kW e-trike model na mayroong battery charging at swapping service upang maging kumbinyente ang paggamit nito. (ARIS R. ILAGAN)