Si Sen. Cynthia A. Villar pa rin ang itinuturing na pinakamayaman sa hanay ng 24 na miyembro ng Senado habang si Sen. Francis “Chiz” Escudero ang pinakamahirap.

Base sa kanilang sinumpaang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) para sa taxable year 2015, ang net worth ni Villar ay pumalo sa P3.5 bilyon, na mas mataas ng P1.6 bilyon kumpara sa kanyang 2014 SALN.

Habang ang net worth ni Escudero ay bumaba sa P5.847 milyon nitong 2015 mula sa P6.04 milyon nitong 2014.

Sumunod kay Villar si Senate President Pro Tempore Ralph G. Recto na may P531.6 milyon, na sinundan ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., P211.07 milyon.

National

PAGASA, may namataang bagong LPA sa labas ng PAR

Ang ikaapat ay si Sen. Jose “Jinggoy” Estrada, na may P193.162M, habang si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ay may P173.394M.

Siya ay sinundan nina Senador Juan Ponce Enrile, P122.1M; Juan Edgardo Angara, P118.25M; Teofisto Guingona III, P103M; Sergio R. Osmeña III, P90.5M; Grace Poe, P89.11M; Miriam Defensor-Santiago, P85.9M; Pilar ‘’Pia’’ S. Cayetano, P73.3M.

Si Senate President Franklin M. Drilon ay may P79.01 milyon; JV Ejercito, P78.67M; Tito Sotto, P66.8M; Nancy Binay, P61.3M; Lito Lapid, P43.1M; Loren Legarda, P40.5M; Bam Aquino, P28.7M; Alan Cayetano, P23.5M; Gringo Honasan, P20.9M; Koko Pimentel, P17.9M; at Sonny Trillanes, P5.9 milyon. (Mario B. Casayuran)