Alden Maine at Juliet's house copy

KINILIG ang AlDub Nation sa sagot ni Direk Mike Tuviera sa pangungumusta ng isang fan tungkol shooting ng first solo nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Italy.

“Nilalanggam kami dahil sa dalawa,” ang sagot ni Direk Mike.

Marami kasing kulitan photos sina Maine at Alden at kuha pala ito kapag nagsi-set-up si Direk Mike, na hinahayaan lang na mag-enjoy ang dalawa kahit nagtatrabaho sila.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Allowed din silang maglakad-lakad dahil may securities naman sila at mababait ang fans, hindi nangungulit kapag tapos nang magpa-photo-op sa dalawa.

May nag-post nga sa Twitter na noong 10th monthsary nila, last May 16, na naglakad-lakad ang dalawa, nagugulat daw ang mga Italyano kapag may mga nasasalubong silang fans ay binabati sila ng ‘happy 10th monthsary.’

At para maging memorable ang kanilang 10th monthsary, nagpunta sina Alden at Maine sa Casa de Guiletta o ang bahay ni Juliet sa Romeo & Juliet ni William Shakespeare sa Verona. Naroon ang isang statue ni Juliet at sa likod ang love locks at letters mula sa lovers na pumupunta roon.

May tradition daw tungkol sa statue ni Juliet: “According to tradition, if we want to return to Verona and to find the true love, we have to touch the right breast of Juliet’s statue situated in the courtyard of her house.”

May picture sina Alden at Maine na naka-touch sa right breast ng statue ni Juliet, pero napansin agad ng fans na nagpaka-gentleman si Alden na hindi niya hinawakan ang right breast ni Juliet, sa halip si Maine lang ang nakadantay doon at si Alden ipinatong lang ang right hand sa kamay ni Maine.

Tanong ng fans, kasama raw kaya iyong eksena sa movie o personal na ginawa nina Alden at Maine para sa kanilang sarili?

Ilang araw pa ang itatagal nina Maine at Alden sa Italy dahil kadarating pa lamang nina Jasmine Curtis Smith at Irma Adlawan doon. Silang dalawa lang ang kasama sa movie na kinailangang pupunta ng Italy. (Nora Calderon)