TANAUAN CITY, Batangas – Nabuking ang isang dadalaw sana sa piitan sa tangkang pagpupuslit ng shabu sa Tanauan City Jail.

Nakilala ang suspek na si Sonny Quiatchon, 22 anyos.

Ayon sa report ng grupo ni PO3 Joselito De Chavez, dakong 6:00 ng gabi nitong Mayo 16 nang ibigay ng Tanauan City Jail sa kostudiya ng Tanauan City Police ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na nakuha umano sa suspek.

Dadalaw sana si Sonny sa kapatid na si Delfin Quiatchon pero nabuking ang nasabing ilegal na droga, na nakaipit umano sa loaf bread.

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

Agad namang nakatakbo at nakasakay sa motorsiklo ang suspek, na pinaghahanap na ngayon ng awtoridad. (Lyka Manalo)