OAKLAND, California (AP) — Nakahirit ang Oklahoma City sa pamamagitan ng matikas na pagbangon sa final period.

Laban sa defending champion Golden State Warriors, tatangkain ng Thunder na madugtungan ang kumpiyansang nadarama sa paglarga ng Game 2 ng kanilang Western Conference Finals.

Ngunit, aminado ang Thunder na mas kailangan nilang maging agresibo para maisakatupana ang hangarin na magbalik sa kanilang tahanan tangan ang 2-0 bentahe.

Hindi pa natatalo ang Warriors ng back-to-back ngayong season, at ang Game 1 na kabiguan ang kauna-unahang home game lost sa playoff ng Golden State sa Oracle Arena.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

“Just being able to go in and lock in,” pahayag ni Thunder guard Russell matapos ang ensayo nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Nakatakda ang Game 2 Miyerkules ng gabi (Huwebes sa Manila).

Kumpiyansa naman si Golden State coach Steve Kerr sa katayuan ng Warriors.

“Every team that I was on that won a title lost at least a home game during the playoffs, so it happens,” pahayag ng Coach of the Year.

Ito ang kuna-unahang kabiguan ng Warriors sa opening series sa pangangasiwa ni Kerr, sa kabila ng katotohanan na naghabols sila sa 1-2 sa second round laban sa Memphis at sa NBA Finals kontra Cavs.