Patay ang isang maglolo matapos nilang kumain ng kinilaw na karneng aso sa Barangay Alegria sa Alabel, Sarangani, nitong Lunes ng gabi.

Sa report ng Provincial Veterinary Office, bago ang insidente ay nakagat ng aso ang hindi pinangalanang matandang lalaki at kanyang apo.

Sa galit ng pamilya, kinatay nila ang aso, ginawang kinilaw, at kinain.

Batay sa paniniwala ng tribu na kinabibilangan ng maglolo, hindi eepekto ang rabies kung kakainin ang ulo ng aso na nakakagat sa tao.

National

'Pekeng' doktor na tumuli sa namatay na 10-anyos, dati na raw nabilanggo

Gayunman, makalipas ang ilang araw ay parehong binawian ng buhay ang maglolo.

Agad namang nagsagawa ng mass vaccination kontra rabies sa lugar. (Fer Taboy)