Pinanatili ng Fitch Ratings ang 5.9 porsiyentong 2016 growth projection nito para sa Pilipinas at idiniin na ang panalo ni presumptive President Rodrigo Duterte sa halalan noong Mayo 9 “has no immediate impact” sa sovereign rating o outlook ng bansa.

Sa kasalukuyan, ang Fitch Ratings ay may ‘BBB-’ rating, dalawang marka na mas mataas sa junk status, at ‘positive’ outlook sa Pilipinas. Unang nitong itinaas ang ‘economy’ sa ‘investment grade’ noong 2013 at muling itinaas ng isang marka nang sumunod na taon.

Sa ulat na may petsang Mayo 15, 2016, binanggit ng debt rater na ang kampanya ni Duterte ay hindi nagpokus sa detalyadong economic plans. Gayunman, “as clarity emerges over the new administration’s policies, our sovereign ratings assessment will continue to focus on the sustainability of economic growth and improvements in governance.”

Sinabi ng Fitch na ang estimated net external creditor position ng bansa sa kasalukuyan, na nasa halos 18% ng domestic output “contrasts with the ‘BBB’ median’s net debtor position of 5.7% of GDP (gross domestic product).” (PNA)

Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya