Dahil sa iniindang cancer, nagawang wakasan ng isang ginang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa Pasay City, nitong Lunes.

Kinilala ni Pasay City Police chief Senior Supt. Joel Doria ang biktimang si Armida Quiachon, 42, ng 17th Street, Villamor Airbase, ng nasabing lungsod, sanhi ng tinamong tama ng bala ng .45 caliber pistol sa kanang pisngi.

Dakong 1:00 ng hapon nang nakarinig ng putok ng baril ang mister ng biktimang si Jonos Quiachon mula sa kuwarto sa kanilang bahay.

Agad na nagtungo si Jonos sa kuwartong pinagmulan ng putok at sapilitan pang sinira ang pintuan upang makapasok, hanggang sa makita niya ang misis na duguan at wala nang pulso.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Ipinabatid ni Jonos ang insidente sa awtoridad at sa kanilang mga kaanak.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ng Southern Police District (SPD) ang suicide note, isang .45 caliber pistol, at ilang bala sa tabi ng biktima.

Lumitaw na may sakit sa uterus, sleeping disorder at cancer ang ginang.

Nakalagak ang biktima sa Veronica Funeral Parlor upang suriin. (Bella Gamotea)