NGAYONG Miyerkules (May 18), makakasama ni Arnold Clavio ang mga sumisikat na komedyanteng sina Boobsie Wonderland, Atak, at Donita Nose sa “Comedy Times Three” episode ng Tonight with Arnold Clavio (TWAC).

Kilala sa pagpapanggap bilang isip-bata si Boobsie Wonderland pero sa pagbabalik niya sa TWAC, dala niya ay mga bagong pakulo. Samantala, unang sabak naman nina Atak at Donita Nose sa programa. Si Atak ay kilala sa karakter niyang pilyong bata at “minion” habang si Donita Nose naman ay napapanood sa programang Wowowin. Dito, hindi lang sa pagpapatawa siya napansin kundi pati sa pagbirit niya ng matataas na nota. 

Siyempre, isasalang din ni Igan ang tatlo sa mga patok na segment ng TWAC na “Bentang-benta” at “Nasubukan Mo Na Ba?” Mabubuko rin kung sino sa tatlo ang may masalimuot subalit ubod sa kuwelang lovelife.

Tutok na sa Tonight With Arnold Clavio ngayong Miyerkules, 10:15 PM sa GMA News TV.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya