SAN ISIDRO, Nueva Ecija – Agad na namatay ang isang 27-anyos na binata habang grabe namang nasugatan ang ama nito makaraan silang pagbabarilin ng hindi nakilalang armado sa Purok 5, Barangay San Roque, madaling-araw nitong Linggo.

Kinilala ng San Isidro Police ang nasawing si Janby Sileng y Benjaminita, ng Bgy. Centro Sur, Sto. Niño, Cagayan, habang grabe namang nasugatan ang ama niyang si Genaro Sileng y Bagaggoz, 72, ng Bgy. Burgos, Batac, Ilocos Norte.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marnel De Guzman, dakong 3:20 ng umaga at nag-aabang ng masasakyang bus ang mag-ama nang biglang sumulpot ang suspek at gamit ang .45 caliber pistol ay pinagbabaril sila nang malapitan. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog