Lebron James

INDEPENDENCE, Ohio (AP) — Natapos ang pagsasanay ng Cleveland Cavaliers na hapo at tumatagaktak ang pawis sa katawan ng bawat isa. Maging si coach Tyronn Lue ay hindi nakaligtas sa napakahirap na drills na pinagdaanan ng Cavs nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Sa kabila ng matikas na “sweep” na naitala ng Cavs sa unang dalawang playoff series, walang puwang ang pahinga sa kampo ng Cleveland.

“Guys have been really busting their butt in the gym,” pahayag ni forward Channing Frye.

Tatay ni Caloy, ‘ginatasan’ daw ng anak: ‘Kinuha niya semilya ko, ginanyan na kami!’

Kailangang pagpawisan ng Cavs para paghandaan ang Game 1 ng Eastern Conference Finals laban sa sinuman sa Miami Heat at Toronto Raptors na magtutuos sa Game 7 sa kanilang semi-final duel.

Mahaba ang naging pahinga ng Cavs na huling naglaro nitong Mayo 8 nang walisin ang Atlanta Hawks sa Game 4 ng kanilang semi-final match up.

Sa first round, naging madali rin sa Cavs ang pagdispatsa sa No.8 Detroit Pistons.

Ngunit, mas naging maangas ang Cavs sa serye laban sa Hawks kung saan naisalpak nila ang 77 three-pointer sa apat na laro, kabilang ang NBA record na 23 sa Game 4.

“That was pretty tough,”pahayag ni forward Tristan Thompson.

“But I thought it was great for us because the team could push each other. It was fun. I thought it brought us even closer together as a team.”

Sapat na ang siyam na araw na pahinga para maihanda ang katawan ng 31-anyos na si James, nagbalik sa Cavs sa nakalipas na season mula sa Miami, para pagkalooban ng kampeonato ang koponan na nagbigay sa kanyan ng pagkakataon na maging superstar.

“LeBron is letting the game come to him,” sambit ni Lue.

“When he wants to be aggressive and he sees fit to be aggressive when the teams have a good run or whatever they may have, then he just takes over the game. And with Kyrie and Kevin playing at a high level, he can take a lot of mileage off of his body and just kind of seeing and figuring out the flow of the game.