Inilahad ni Atty. Levi Baligod ang kanila umanong agam-agam sa isinasagawang Blue Ribbon Committee hearing ni Sen. Erwin Rulfo nitong Lunes, Hunyo 8, 2026.
Sa press conference na isinagawa sa opisina ni Sen. Robin Padilla sa Senado nito ring Lunes, iginiit ni Baligod ang kanila raw pangamba sa paghawak ni Tulfo ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects, gayong is arin siya sa mga akusado.
“We are worried but we are not scared. Mr. Erwin Tulfo who claims to be the Chairman of the Blue Ribbon Committee is presiding over this investigation,” ani Baligod.
Saad pa niya, “Kasi po, inaakusahan siya pero siya rin ang mag-iimbestiga at eventually, siya rin ang magdedesiyon.”
Pinuna rin ni Baligod ang tila tagilid na judicial system dahil umano sa pagkakaluklok ni Tulfo bilang BRC Chairman gayong isa siya sa mga idinidiing nakatanggap ng male-maletang pera—ayon sa pahayag ng 18 ex-bodyguards na nagpapakilalang bagmen umano ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
“Sa isang demokrasya po na mayroong isang functioning judicial system ay hindi n'yo po makikita yung ganiyang pangyayari. Na kung sino pa yung akusado, siya pa yung mag-iimbestiga, ang magdedesisyon kung sino ang nagsisinungaling, kung sino ang nagsasabi ng tao,” giit pa ni Baligod.
Banat pa niya, “We don't expect Mr. Erwin Tulfo to admit his guilt... It is predictable that he will cite all of us as liars.”
Matatandang hindi sumipot sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee sina Baligod at 18 ex-bodyguards kung saan nagsagawa na lamang sila ng hiwalay na press conference kasama si Sen. Padilla.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Robin, nilinaw na nakadepende sa 18 ex-bodyguards kung sisipot sila sa BRC hearing