June 08, 2026

Home BALITA

Sen. Robin, nilinaw na nakadepende sa 18 ex-bodyguards kung sisipot sila sa BRC hearing

Sen. Robin, nilinaw na nakadepende sa 18 ex-bodyguards kung sisipot sila sa BRC hearing
Photo courtesy: via Robin Padilla (FB)

Nilinaw ni Sen. Robin Padilla na desisyon na raw ng 18 ex-bodyguards ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co ang desisyon kung sisiputin nila ang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa ilalim ng Gatchalian bloc.

Sa ambush interview sa kaniya ng media nitong Lunes, Hunyo 8, 2026, iginiit ni Padilla na ang pagpunta ng 18 ex-bodyguards sa Senado ay dahil sa imbitasyon umano niya at nakadepende na raw sa kanila kung sisiputin nila ang imbestigasyon ng BRC na isinasagawa sa pangunguna ni Sen. Erwin Tulfo.

“Punta na lang po kayo sa office, magpe-presscon po sila,” ani Padilla.

Nang tanungin kung sasamahan niya ang 18 ex-bodyguards papunta sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee, sagot ni Padilla, “Sila po ang magdedesisyon.”

Hirit pa niya, “Sila po ang magdesisyon. AKo po'y nandidito para po sa mga bayani ko.”

National

5 sa 18 ex-bodyguards sumailalim sa individual Q&A, ligwak!—NBI

Matatandaang nauna nang inimbita ng Blue Ribbon Committee sa ilalim ng Gatchalian bloc ang 18 ex-bodyguards upang linawin umano ang kanilang mga naging pahayag at akusasyon laban sa ilang mga mambabatas na nakatanggap umano ng mga male-maletang pera sa mula sa maanomalyang flood control projects.

Noong Sabado, Hunyo 6, nagpaabot ng liham si Sen. Alan Peter Cayetano sa abogado ng 18 ex-Marines na si Atty. Levi Baligod kung saan iginiit niyang wala raw silang awtorisasyon sa gaganaping pagdinig ng nasabing komite nitong Lunes.

“We must clarify, however, that the hearing purportedly set for 08 June 2026 was not authorized by this Office, by Senator Pia S. Cayetano as Committee Chairperson, or by Senator Rodante D. Marcoleta as Subcommittee Chairperson,” ayon sa liham. 

Dagdag pa ni Cayetano, “We must clarify, however, that the hearing purportedly set for 08 June 2026 was not authorized by this Office, by Senator Pia S. Cayetano as Committee Chairperson, or by Senator Rodante D. Marcoleta as Subcommittee Chairperson.”

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Alan, binalaan 18-ex Marines tungkol sa BRC hearing sa Hunyo 8