June 07, 2026

Home BALITA Politics

Sen. Alan, binalaan 18-ex Marines tungkol sa BRC hearing sa Hunyo 8

Sen. Alan, binalaan 18-ex Marines tungkol sa BRC hearing sa Hunyo 8
PHOTO COURTESY: SCREENGRAB ALAN PETER CAYETANO FB, MB FILE PHOTO

Nagpadala ng liham ang Office of the Senate President na nilagdaan ni Sen.  Alan Peter Cayetano sa abogado ng grupong tinatawag na “18-ex Marines,” kung saan nilinaw nito na ang nakatakdang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa Hunyo 8, 2026 ay hindi umano awtorisado ng kanilang tanggapan.

Sa liham noong Sabado, Hunyo 6, 2026 at naka-address kay Atty. Levito D. Baligod, kinilala ng tanggapan ang naging pagdalo ng mga testigo sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee noong Hunyo 4.

“We are likewise grateful to you and the ‘18 Soldiers’ for appearing before the Blue Ribbon Committee on 04 June 2026. We are deeply mindful of the courage and personal risk your testimony required, and we do not take that sacrifice lightly,” nakasaad sa liham.

Gayunman, nilinaw ng tanggapan na ang pagdinig na nakatakda umano sa Hunyo 8 ay hindi inaprubahan ng Office of the Senate President, ni Sen. Pia Cayetano bilang committee chairperson, o ni Sen. Rodante Marcoleta bilang subcommittee chairperson.

“We must clarify, however, that the hearing purportedly set for 08 June 2026 was not authorized by this Office, by Senator Pia S. Cayetano as Committee Chairperson, or by Senator Rodante D. Marcoleta as Subcommittee Chairperson,” ayon sa liham.

Politics

Rep. Erice, binanatan si Sen. Bam matapos pasalamatan si Sen. Chiz

Idinagdag pa nito na wala sa mga nabanggit na tanggapan ang nagtakda ng naturang pagdinig o nagbigay ng awtoridad upang magpalabas ng mga imbitasyon kaugnay nito.

Ayon sa liham, ang mga opisyal na paanyaya para sa mga pagdinig ng komite ay maaari lamang manggaling sa tanggapan ni Sen. Pia Cayetano, Sen. Marcoleta, o sa committee secretariat na kumikilos sa ilalim ng kanilang direktiba.

“For the guidance of all concerned: invitations to Committee hearings may issue only from the Office of Senator Pia S. Cayetano, the Office of Senator Rodante D. Marcoleta, or the Committee Secretariat acting under their direction,” nakasaad pa rito.

Nagbabala rin ang tanggapan sa mga miyembro ng “18-ex Marines” na hindi nito matitiyak ang mga procedural safeguards at proteksiyon para sa mga testigo kung sila ay lalahok sa mga pagdinig na hindi isinasagawa sa ilalim ng awtoridad ng mga itinalagang chairperson.

“It is also our duty to caution the ‘18 Soldiers’ that we cannot assure them that any proceeding conducted outside the authority of the duly designated Chairpersons will afford the procedural safeguards and protection accorded to witnesses before properly constituted hearings,” ayon sa liham.

Binanggit din sa dokumento ang umano’y mga banta ng pag-aresto laban sa ilang kalahok at ang pakikilahok ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa mga usaping may kaugnayan sa testimonya ng mga testigo, na anila’y nagdudulot ng pangamba sa kanilang kaligtasan at pagtrato.

Sa huling bahagi ng liham, kinilala ng tanggapan ang kahalagahan ng pagharap ng mga testigo sa mga pagdinig ng Senado at iginiit ang pangangailangan ng maayos at patas na proseso sa pagtitimbang ng mga ebidensya.

“We recognize that appearing before a Senate proceeding under present circumstances is no small matter. But the Committee’s task is to receive and weigh all evidence through fair and orderly process,” nakasaad sa liham.