Isa na namang rider ang nawalan ng motorsiklo matapos itong tangayin ng hindi pa kilalang kalalakihan sa Silang, Cavite, kamakailan.

Base sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), nakilala ang may-ari ng motorsiklo na si Glenn Gelle Zamora, 30, residente ng San Vicente I, Silang, Cavite.

Ayon sa pulisya, ninakaw ang Yamaha Mio Sporty (NA-56822) ni Zamora habang nakaparada sa Silang Water District dakong 7:15 ng umaga nitong Sabado.

Ito na ang ikalawang insidente ng pagnanakaw ng motorsiklo sa Cavite sa loob ng isang linggo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mayroon din umanong mga natangayan ng motorsiklo sa ibang lugar sa Cavite, ayon sa pulisya.

Madalas na tinatarget ang mga motorsiklo na nakaparada sa commercial at residential area na kahit ilang minuto lang na iwan ng may-ari ay mabilis na natatangay ng mga kawatan. - Anthony Giron