Napulot ng mga basurero ang mga secure digital (SD) o memory card ng Commission on Elections (Comelec) para sa Barangay Uno ng Kabankalan City sa isang tambakan ng basura sa Sitio Cabangahan, Barangay Hilamonan, Kabankalan City, Negros Occidental.

Ayon kay Neca Gundao-Sialsa, 24, hinanap nila ang tatlong memory card ng Comelec matapos na humingi ng tulong ang tatlong nagpakilalang kawani ng poll body upang mahanap ang mga ito sa tambakan ng basura dakong 10:00 ng umaga nitong Martes.

Subalit inabot ng tatlong araw bago matagpuan ng isang nagpakilalang “Neca” ang isa sa tatlong sobre na naglalaman ng memory card.

Ang ikalawang sobre, na naglalaman din ng memory card ng Comelec, ay natagpuan ni Gina Regalado, 48, sa binabantayang dumpsite.

National

Signal No. 3, itinaas na sa 2 lugar sa Luzon dahil sa bagyong Nika

Ang ikatlong brown envelope ay natagpuan din subalit wala na itong lamang memory card, ayon sa ulat.

Isinauli ng grupo ni Regalado ang mga memory card sa mga tauhan ng Comelec na nagbigay umano ng P500 bilang pabuya. - Edith B. Colmo